more of the old

Going through your old journals on a lazy, boring Sunday afternoon can be quite interesting. Last Friday, I went out of Prague to visit a couple of clients. In total I drove 500 kilometers, on and off. I got lost only once and thus very proud of myself. But the stress of that day was so enormous that I fell straight to sleep after I got massaged. I don’t even remember when I started dozing off.

Anyway, I’m digressing too much from this post. Three years ago, I wrote about how I felt about commuting from my place to work. Its amazing how whiny I can get. =)

====

2003-09-16

EDSA makes every morning a cheap action flick where the lead part goes to everyone and everything but traffic rules. At dahil bida ang lahat, lahat magaling. paking ass.

Having transferred to Makati, I am obliged to participate in the monstrous everyday party that is "going through EDSA and making it to work" without having to wish for a re-ironing of my suit. I don’t drive, I brave everyday like its not a damned crazy routine of riding a bus, cursing other people under my breath for getting in line first and moving within the bus without having to walk. Believe me, when you’re praying for that extra five minutes to appear on the clock and somebody gives you the littlest nudge to inch before you - you can be the ultimate fighting machine, you may even be ready to ready to kill for the next square inch of elbow room.

See the list below for the most superficial eccentricities which give me migraine sessions everyday:

1. Sa Pilipinas lang pwedeng mangbalya ng kungwari walang nangyari pag nakitang tiningnan mo siya ng masama. Deadma lang. Parang uy "tangina o sino ba tumulak dun sa buntis?" Ulul. O kaya titingnan ka pa na parang sasabihing "hindi ako yun ah, hindi ako" . Kesehodang may bakat ka ng fingerprints niya sa mukha.

Dito lang may mga tao na akala mo kanila yung tren, mahina ang pandinig dahil kahit may buzzer na Bernardo Carpio pa rin at paghihiwalayin ang mga pinto. Sa lrt lang natin maraming naka-mikropono sa istasyon - pag padating na ang tren sabay sabay yan — yung driver ng tren, yung naka-mike sa booth — huwag lang ho tumapak sa pulang linya.. o padating na ho yung tren padating na! (no syet? hindi nga? padating na? yan ba yung malaking mukhang kahon ng posporo sa harap ko?) pakiingatan na lang ho yang mga gamit nyo… at yung magnetic card ho gagamitin nyo yan sa pagbaba! dahan dahan lang po.. (bobo ba tayo o bobo lang talaga?).

2. Sa Pilipinas lang pwedeng magbaba at magsakay kahit saan. Yes kahit saan. Unless may parak. Takot ang mga drayber sa parak, hindi dahil may mali silang ginawa at nakakahiya, pero dahil manghihingi ng talent fee ang mga lolo mo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi pedestrians ang hulihin ng mga tinamaan ng lintik na MMDA na yan. Supply creates its own demand. Kung may pasaherong tatalon talon at kakawag kawag sa harap mo hindi nga ba magkukumahug kang isakay yun kahit na mag-traffic jam sa likod mo. May isla islang taong nakakalat sa EDSA kaya isla isla rin ang bus, at milya milya ang traffic.

3. Sa Pilipinas may mga pulis na double purpose dahil mga poste din sila na nagsasabing no loading or unloading . Pwede kang magbaba at magsakay pagkatapos na pagkatapos mo malampasan ang pulis. Katulad ninyo nagtataka rin ako kung bakit kailangang hindi pababain at pasakayin ang mga tao sa lugar na kinasanayan na, bakit di na lang ayusin at gawin permanente ang mga ito. Okay lang kung dahil nagbago ang city plan at long term na ang pagbabagong ito. Ibig sabihin bawal na dito hanggang magka-apo ka. But noooo! Bawal lang siya today. Siguro dahil yung spot na yun nakaka-cause ng bottleneck sa traffic… so siguro mga five meters from that same spot pwede na…… di na magtatraffic??? Hwekhwekhwek. Di ba nililipat nyo lang yung bottleneck?

4. Sa Pilipinas lang may male urinal na pink. Ang kinaganda lang nito at least hindi na sabog sabog ang panghe sa EDSA. Concentrated na lang dahil as usual walang available na tubig.

5. Sa Pilipinas lang pwedeng magbago ang travel time mo by 2 hours kung sasakay ka ng ilalim o ibabaw. At kung lahat ng sinakyan mo e ibabaw, pahingang pahinga ka na at nakadalawang gabing worth ng tulog pagdating mo sa bahay.

6. Sa Pilipinas lang malaking enterprise and pagbaba-barker. Sisigaw ka lang ng kaunti malaki pa kita mo sa drayber nung FX.

7. Sa Pilipinas lang pwedeng mag-patawa ang mga konduktor na para bang ang saya saya nila pag maraming tao sa bus at matagal tagal magkakasama, para bang retreat o recollection, dahil kahit nakadikit ka na sa katawan ng kung sino sino magpapapasok pa sila, the more the many-ier.
Maluwag maluwag maluwag parang bagong panganak!
Maluwag yan araw araw ginagamit yan!
‘Lalim ‘Lalim (at pagambang sasakay ka na- "Mama ilalim to?" deadmang sasabihing–) ‘Lalim ‘Lalim ng tubig! (sarap
(sapakin)
Maraming upuan sige sa likod. May nakaupo nga lang.
Ser usog usog ka naman, malayo ka pa naman e, tatlong ikot ka pa.

8. Sa Pilipinas lang pwede kang magpapalit palit ng lanes na para bang express way lahat ng kalsada.

9. Sa Pilipinas mo lang maitataga sa bato na - pag umulan siguradong parang may rally sa dami ng tao. May mga lugar kasing baha kaya na trap ang lahat ng sasakyan dun habang natitipon ang lahat ng katauhan sa isang lugar.

10. Sa Pilipinas lang ganito kasaya at kaadventurous ang mga commuters, drivers, traffic enforcers dahil ang sistema FREE for ALL. Kahit saan sumakay, kahit anong oras, kahit ilang tao, kahit saan ka bumaba, kahit saan umikot ang bus… OKAY LANG. Kaya nga dahil masaya, magulo at makalat din. Ayos no? Parang party. =)

Leave a Reply