does anyone remember Antonio Trilanes and Oakwood?

I was trying to look for an entry in one of my older blogs and found one entry I wrote in frustration… yehehehe.. enjoy

=======

Coup - kurukuku
Kung giyera giyera na!!!!

Malamang marami sa inyo ang hindi mag-aagree sa pagdanak ng dugo, at sino naman ba ang gustong mamatay ng walang kaglamour-glamour ng may gripo sa leeg? At marami rin sa inyo ang magsasabing hindi ito ang mapayapa at tamang paraan (kaya nga giyera e, dah)… true… mahirap ding ideny ang mga pa-humane reasons na ito, dahil ako man gusto ko pa ring magpanggap na walang problema at pumasok sa opisina araw-araw at tumanggap ng sweldong pambayad gastos at pampanood ng konting sine kung minsan (ang ibig kong sabihin alam kong may problema, pero kunyari hindi ako involved, deadma, bahala sila, epal silang lahat, at wala nang mangyayari sa Pilipinas kahit magtutumbling ka sa harap ng malacañang para magpiket at magrally).

Sorry pero sa totoo lang, maraming Pinoy ang walang bayag, at malamang isa ako dun. Ang pinaka- pangit na nangyari sa coup d’etat attempt na yan ay yun …attempt lang siya.
Alam kong radikal kung iisipin na para bang may suicidal tendencies ako kaya ko ito nasusulat. At lalong madaling idismiss ng gobyerno kung bakit nagkakaganito ang mga sundalo natin. Ilan sa mga narinig kong proklamasayon ng mga kinikilalang tao (lider at lider-lideran sa bansa) ang ganito:

- They are frontliners, may mga war shock pa ‘yan! (dey ar lost and dey do not know wat dey ar doing)
- Ikulong si Honasan may intelligence report kami. (yes, announce it to the world why don’t you, kung intelligent ang report sana may ebidensiyang mas konkreto… hindi talaga style ng Pinoy maging discreet and effective kahit kalian)
- Alam na naman nila kung paano sa AFP bago sila pumasok( yes, so pakabulok tayong lahat tutal alam naman nating bulok tayo pare-pareho e di sama sama na rin tayo sa impiyerno! Tutal nung nagsundalo ka naman alam mong pwede kang makasama ng mga pachyderm diba? Kapal mo magreklamo!)
- We will find out who is behind all this (Tapos? … kebs na sa kung ano pinaguulol niyang mga sosyal na sundalo na yan na sa lahat naman ng kukutaan e isa pa sa pinakamahal na hotel sa makati, at tabi pa ng mall.. wow strategic, pag nastress sila at gusto nila magshopping to release the tension, walang problema!)
- We will investigate and look into their demands (and store dem in da payling cavinet, por reperens on pyutur attempts)

Ang nakakainis nga, matapos nilang mag-mala-Joyluck Club hugging and crying sa TV e umatras din ang mga mokong. Sabi ng mga young rebel soldiers na itoh – nadisaapoint daw sila na walang sumuportang taong bayan, walang nagpunta dun, grabe na talaga ang pagka indifferent ng mga Pilipino – e shungek pala kayo e, pagkatapos ninyong magplanta ng bomba sa mga kakalyehan gusto nyo may magpakabayani at magpagulong gulong sa makati amidst your pseudo landmines. Kung totoo ang mga paratang nyo at mayroon kayong ebidensiya, tutal marami naman kayo, dapat binigla nyo lang lahat, mag leak kayo sa media ng mga kagilagilalas at walang lusot na ebidensya.. tutal uhaw naman yang mga yan sa ratings at exclusives. Mag seize kayo ng istasyon. Dapat mayroon kayong hard evidence na magsisimula ng walang habas na text brigades ng mga konyo (uhurm.. middle class) ng EDSA II at kalampag brigade ng ibang sektor. Yung walang kawala, unless may pinapanigan din yang mga tv stations dahil lagayan din diyan.

Ewan ko ba.. hindi kaya isang tao lang ang nagpapatakbo ng lahat sa Pilipinas at humahagikgik na siya tuwa… mamatay ka sana ulul.

Pinlano sana nang mabuti. Kung ayaw nyong may masaktan at gusto nyo ng mala EDSA kailangan nyo ng maganda gandang strategy, hindi stage show, hindi melodrama. Tutal lahat naman ng nirereklamo nyo rewind lang ng mga reklamo nung dating mga coup attempts. E ano ba kung handa kang mamatay para sa prinsipyo mo, tingin mo may maalala pa ang mga Pilipino two years from your death? KAMON, YU MUST BE KIDDING!!! History SEEMS to be nothing but another telenovela to the Filipinos. Wala tayong natutunan. At wala nang gustong gumawa. At lahat gusto fumunta sa isteyts.

Wala akong mapanigan, dahil nalilito na ako kung kanino ako maniniwala.

Sana may nangyari. Sa ngayon, sana may mangyari. Sana yung mga ukinamsyet sa gobyerno, magising na konti, sana matanggal na ang kanilang mga sapi ng mga ispiritung ligaw at magbalik loob sa Diyos. Emen?

Ako rin naman hindi ko alam kung ano ang susunod kong dapat gawin. Do my own little-tiny-minute contribution for the Philippines chova (lahat may alam nito pero wala talagang gumagawa)? Leche, magprepretend na lang ako ulit na ang buhay ko ay trabaho-konting inom kasama mga kaibigan pag biyernes o pag may okasyon-pamilya – yun. Tanggapin ko na lang bang lahat ng Pilipino ay autistic, at lahat nung mga buwaka ng inang opisyal ng gobyerno lang ang mulat, kaya sila lang din ang namumunini sa pinaghirapan natin?

Okay na rin siguro mabomba tayo lahat tapos rise anew ang drama natin parang Japan pagkatapos ng Hiroshima bombing. Wekhekhek. Ewan.

Basahin din ito, pero para sa kin.. at least may nagaklas, may nagpaalam, dahil bulok naman talaga sa loob at kawawa talaga ang mga sundalo… kaya lang supot…


8 Responses to “does anyone remember Antonio Trilanes and Oakwood?”

  1. nHeA Says:

    ive read your views grabe ha frustrated ka tlga di nman masyado obvious hehehe….sabi nga sa nabasa ko e “Absolute power corrupts.” Mahirap mamuhay sa pinas pero masaya din madami kse comedyante sa gobyerno :-) musta na po?

  2. Judy Anne Says:

    nhea!!! so nice to hear from you! okay lang naman ako, ateh. I wrote that in 2003, wala pa kong plano nun mag stay out of the country for a long time. Noon diyan pa talaga naka-base lahat ng mga plano ko. Kaya lang a lot of things have happened that changed my personal circumstances. Mahal ko talaga Pilipinas, may project na rin nga ako to prove it (what encouraged me? - see one entry of mine - ‘an ofw snaps back’). Hindi rin naman ako masyadong frustrated, mas malala ang frustration ko nung nasa UP pa ko dahil araw araw kong nakikita ang lahat. hehe. ano email mo?

  3. Arguello Says:

    hi. hindi ko akalain na ikaw ang sumulat nito hehe, ang ibig kong sabihin reading some of your previous posts, hindi ko naisip na may ganito kang sinulat dati. medyo tagal na nga rin pala nung oakwood incident.marami nang mas nakakairitang pangyayari pagkatapos nun.

  4. 'Jericho Says:

    Juday…Enjoyed reading this entry, hehehehe, i agree with most of your sentiments, sana lang may mga tao talagang nakikinig sa mga ganitong saloobin ng mga edukadong tao! Oh, btw, I enjoyed the tagalized curses, bwahahaha, pakshet talaga!
    hehehehe!

    Take care!

    -iko-

  5. Judy Anne Says:

    arguello, antagal ko na ngang hindi nagsusulat ng ganito. feeling ko rin na-trap na ang gay lingo/humor/smart comebacks ko sa 2003. hehe. oo nga marami nang mas nakakairitang pangyayari pagkatapos nun. nababasa ko na lang sa internet e. o kaya minsan napapanood ko sa cnn pag may mga attempt attempt to oust gloria pero ganun pa rin in the end. nung nandiyan ako mas makati sa tenga, para bang may galis ka kasama ng earwax ehehhehe (kadiri ba?). kasi siyempre nabo-bloat ng media - kailangan may intriga palagi sa channel 2 at 7, pabilisan, padramahan. tapos makakarinig ka rin ng mga reklamo mula sa mga tao. may mga nag susuper analyze ng sitwasyon - palikahan ng b*yag at pataasan ng ihi sa arguments. may mga ayaw ng pagusapan dahil nag-give up na. kaya di na rin nagrereklamo tutal ala namang makahanap ng solusyon kaya kebs na lang. natural reactions yan. masarap na lang ngayon panoorin kung ano nga ba ang mangyayari next, parang suspense novel. diba? =)

  6. Judy Anne Says:

    iko, ahahaha sheyt antagal nang walang sumusulat sa kin na ang first line e - juday! alam mo hindi ko rin naman alam kung dapat ako pakinggan e. kasi may mga ideas din akong supot, na minsan ala namang basis, feeling lang. eheheh. pero for me what’s really interesting is to write about people with whom I’ve had discussions with. Iba iba talaga, may mga pa-biba talaga tungkol sa sitwasyon, may mga wala nang pag-asa, may mga nagsasabing yung mga attempts to change the government e nakakasira lang sa bansa, may mga gusto nang magpasakop na lang sa US at maging Hawaii. :)) Ewan ko ba, I read this thread on the net about ‘what do you think about our government today’ — iba iba talaga ng opinion. may mga taong gusto nang i-assasinate si gloria at may mga tao namang gustong halikan ang paa ni gloria. hindi rin tayo united e so ano ang ineexpect natin?
    hayy o siya thanks for reading. i hope you’re doing great. :) cheers/jude

  7. Rhia Says:

    Skulmate ko sya sa UPNCPAG. Pero nakakulong na sya, 1st sem ko naman. Nakita ko Form nya, AWOL ata sya.

    Nweys, plano talaga nyang mag-coup. Nagdidistribute pa sya ng Moral ek-ek ni Gringo. Tinanong nya yung teacher namin kung may shortcut daw sa policy making. Syempre ang sagot wala.

    Sumunod na Linggo absent na daw sya. Then sumunod na linggo, ayun na. Na-shock na lang sya nang nakita si Sonny sa Oakwood. Kaya ang nasabi na lang nya, “Kaya pala ang kulit nya sa katatanong. Yun pala may maitim na balak”.

    Ang lesson dito: Magpaalam muna sa teacher pag mawawala ng matagal. O kaya file muna ng LOA Form para di ma-AWOL. Sayang ang tuloy ang kanyang good scholastic record. ;-)
    PS. May MA degree na sya. At may special treatment sa kanya dahil kahit nasa kulungan, nakapag-enroll pa sya.

  8. Judy Anne Says:

    heheheh thanks sa kuwento. =) musta ka na rhia? =) namimiss mo ba ang madilim na sbo office natin. hehe. =))

Leave a Reply